Ang
Panandang Anaporik at Kataporik
Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang
pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatungkol o reperensya.
DALAWANG URI NG PAGPAPATUNGKOL
a.
ANAPORA- pagtukoy sa isang
salita o parirala na ginagamit sa hulihan ng pangungusap. Ang salita o
pariralang pamalit ay maaaring ginagamit bilang panghalip o pangngalan.
Halimbawa:
Itinuro ng guro ang aralin niya sa
mga estudyante.
Ang mga magulang ang ating ilaw at gabay at
sila ang ating karamay sa tuwina.
b. KATAPORA-
paggamit ng isang salita o parirala na kadalasan ang panghalip na binabanggit
ay nasa unahan.
Halimbawa:
Ito ang aklat
na gusto ko.
Sila ang ating
karamay sa tuwina. Ang mga magulang ang ating ilaw at gabay.
Sanggunian: TUDLA I, Rodolfo Flores de Jesus et. al.
1.
Sa kada araw ng duty,
naglilinis sila at nagdi-disinfect ng mga kuwarto, naglilipat ng
mga pasyente sa iba’t ibang floor, nagpapalit ng diaper at oxygen
sa hindi mabilang na pasyente, at iba pa.
2. Nagulat sina Canlas at Miranda na nakuhanan at
nag-viral ang na-post na larawan nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento